Una sa Balita

Mga guro may 1K special allowance — Loren

By
0 591

MAKATATANGGAP na ng special allo­wance ang mga guro sa ilalim ng 2019 national budget.

Ayon kay Finance Senate Committee Chairperson Loren Legarda, ibibigay ang P1,000 sa bawat public school teacher tuwing World Teachers’ Day bilang insentibo o honorarium.

Layun nito na mabigyan ng pagkilala ang karangalang inihahatid ng mga guro at ang kanilang papel sa development ng kabataan.

“We cannot overemphasize the importance of our teachers. They are our unsung heroes who dedicate their lives to mold the minds of the Filipino youth. They also do other duties for our country by assisting during the elections and aid the Philippine Statistics Authority in gathering data from households across the country,” saad ni Legarda.

Nakasaad sa programa na dapat bigyang atensyon din ang mga guro na nahaharap sa pang-araw-araw na pagsubok sa education system.

Una nang itinaas ang chalk allowance­ mula P1,000 patungong P1,500 na ginawa ring P2,500 hanggang P3,500 noong 2017 at 2018.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy