Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga guro bitin sa face-to-face class

0 108

Aayusin pa ng Department of Education (DepEd) ang bilang ng oras sa klase ng mga mag-aaral na sumasabak sa face-to-face kung saan ay bitin umano ang pagtuturo ng mga guro dahil sa maiksing hinahabol na oras.

Ayon kay DepEd undersecretary Nepomuceno Malaluan, isa rin sa sina-suggest ng mga guro ang dagdag na oras sa pagtuturo na kung saan ang tatlong oras sa kindergarten at apat na oras sa grade 3 hanggang senior high school ay hindi sapat.

Partikular na inihalimbawa ng mga guro ang mga estud­yanteng bumibiyahe pa ng malalayo para sa kanilang face-to-face classes na kung saan mas mahaba pa ang biyahe nila kumpara sa klase nila.

“Based on our feedback from the teachers and the schools — because we have a monitoring and evaluation tool in their reporting every week — one observation they have is that the time that we have allotted for the face-to-face classes is too just short to maximize,” ayon kay Malaluan.

Kaugnay nito, nakatakdang magpulong ang DepEd at Department of Health (DOH) upang pag-usapan ang mga karagdagan pa para sa face-to-face classes.

Nabatid na kaila­ngan pang pag-aralan ng DepEd ang sitwasyon ng mga guro na nasa face-to-face at distance learning.

Matatandaang Nobyembre sinimulan ang pilot face-to-face classes sa may 100 public school at 20 private school sa rehiyon. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.