Una sa Balita

Mga guard ng TNT nganga – Castro

0 456

emis 2 Game 5 ngayon:
(Ynares Center, Antipolo)
7:00pm — TNT vs. Meralco
(Series tied 2-2)

PANTAY na ang playing field sa ­pagitan ng TNT at Meralco.

Tabla ang PBA Governors Cup semifinals sa tigalawang laro matapos agawin ng Bolts ang Game 4 95-83 sa Ynares Center sa Antipolo.

Balik ng hilltop venue ang magkatunggali para magsipaan sa deciding Game 5 mamaya.

Ang matalo, uuwi. Buhos na ang lahat.

“Lahat gagawin na namin,” ­deklarasyon ni KaTropa star guard Jayson Castro. “Nailabas na ‘yung cards, eh. Siguro kung sino na lang talaga gustong manalo.”

Hinihintay ng Ginebra ang mananaig sa series para harapin sa Finals umpisa sa Jan. 8.

Gin Kings ang dumiskaril sa ambisyon ng Bolts na mag-uwi ng titulo sa dalawang championship ng season-ending conference noong 2016 at 2017.
Kitang mas gutom ang Bolts nang bumalikwas mula 17-4 early defitic.

“Na-outhustle ulit. Lahat ng ­rebound, lahat ng long rebounds sa kanila,” himutok ni Castro. “‘Yung mga guards, ‘di natutulungan ‘yung mga bigs sa rebounding.”

Outrebounded ang KaTropa 52-38. Naka-limang 3s ang TNT sa first half pero nadiyeta sa 2 for 19 lang sa se­cond at 7 for 33 buong game. Overall, 29 of 75 lang sila mula sa field.

Sa kabila ay kumonekta ng 38 of 78 ang Bolts.

Tumapos si Castro ng 14 points, 7 assists at 3 steals, pang-ayuda sa 26 points at 9 boards ni KJ McDa­niels. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More