Una sa Balita

Mga grupo ng konsyumer dismayado sa presyo ng kuryente

0 138

Pinalagan ng ilang consumer group ang palusot ng Meralco na abot-ka­yang presyo ang kuryente.

Ang batikos ay ginawa ng grupo ng konsyu­mer ng Meralco makaraang magpalusot umano ito sa resulta ng Pulse Asia survey na nagsabing mayorya ng kanilang mga kustomer ay dismayado na sa presyo ng kanilang kuryente.

“Tubo, tubo, puro na lang sila tubo. Tanta­nan na nila ang pagpa­pahirap sa mamamayan,” sabi ni konsyumer Yuen Abana ng Caloocan City habang iginiit naman ni konsyumer Nida Blanco ng Bulacan na karamihan sa kaniyang suweldo ay napupunta sa pamba­yad sa kanilang kuryente.

“Majority of the 60% expressed they prefer a change in the source of energy. Our government should hear the sentiments of the people behind the statistics and refer to the ­existing recent studies about shifting to renewables,” paliwanag ni Power for People Coalition (P4P) Co-Convenor Gerry Arances.

“The recent survey states that majority of Meralco customers are disgusted with high electricity prices and that the public is catching on with the dealings of Meralco and its own coal power companies,” saad ni Sanlakas Secretary General Atty. Aaron Pedrosa.

Ibinilad naman sa publiko ng Bayan Muna ni Neri Colmenares ang kanilang matinding pagtutol sa nilulutong kasunduan ng Meralco at ng pag-aari din umano nitong kompanya na Atimonan One na tiyak na magpapataas muli sa presyo ng kuryente.

Matatandaan na sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ay mayorya ng konsyumer ay dismayado sa taas ng presyo ng kuryente na pinabulaanan naman ng Meralco kung saan sinabi nitong isa lamang itong panlilinlang.