Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga groom, helper ng MMTC binakunahan

0 214

PINAMUNUAN ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang -unang araw ng free Covid-19 testing para sa grooms at groom helper sa Metro Manila Turf Club sa Tanauan City.

Ang nasabing aktibidad ay isasagawa rin sa lahat ng racing clubs, ayon sa Philracom sa kanilang post sa Facebook page Linggo.

“It will be done for all Racing Clubs in our thrust in protecting the health of all sectors of the Racing Industry,” anang ahensya.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng karera dahil naging susi sa tagumpay ang pagtulong nina Sen. Christoher Lawrence ‘Bong’ Go at Chairman Aurelio de Leon.

Umaasa ang mga karerista na magbabalik na ang aksiyon sa mga karerahan sa lalong madaling panahon.

“Sana magbalik na ang karera sa April 24, matagal na rin kasing walang karera,” bigkas ni Orlando Cortez, 34 taon ng karerista.

Marso 20 pa nahinto ang karera dahil sa muling pagsipa ng mga nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 sa bansa. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.