Una sa Balita

Mga grand finalist sa tawag ng tanghalan namimili ng boto?

Mas madatung, mas panalo

0 2,369

Ay, kakaiba ang paandar ng Tawag ng Tanghalan na dedma pa rin hinggil sa naging hinaing ni Richard Merck. Meron silang tinatawag na Ultimate Resbak challenge, kung saan 16 na mga quarterfinalist ang binigyan ng chance to battle each other for the last two slots para sa grand finals.

May dalawang contestant na nabiyayaan na umupo sa ‘seat of power’. ‘Yung isa (Douglas Dagal) ay pinili ng mga hurado, habang ‘yung isa (JM Bales) ay ang nag-top sa text vote.

Silang dalawa ang pipili ng tig-isang kalahok mula sa 16 para pagsabungin on each day at magkaroon ng chance na kalabanin naman either of them.

Ang dalawang napili ay huhusgahan ng hurado, at ang mananalo ay magkakaroon ng chance na pumili sa dalawang nasa seat of power kung sino ang hahamunin.

Dito naman ay ang text vote ang paiiralin, kaya’t nakakalamang talaga ang maraming followers.

Last Monday pa laging pinipili ng nana­long contender si JM na lagi namang nagwawagi sa text vote kahit pa nga mas magaga­ling talaga ang humahamon sa kanya.

This will end this Saturday kung kelan pipiliin na ang dalawang huling papasok as grand finalist.

Bonggang-bongga ang texting component ng kontes dahil talaga namang namumuhunan na raw ang mga kalahok para matupad ang pangarap nilang maging singer o artist in the future. Meaning, gagawin nila ang lahat para makahamig ng mara­ming boto, o ang mga kamag-anak nila ay bumibili ng maraming sim card, para bumoto, at siguraduhing mananalo ang kanilang mga manok.

So, paramihan ng datung pala ang labanan? Hindi tulad noon na ang mga hurado lang ang may karapatan na pumili sa kung sino ang karapat-dapat.

Kaya huwag na raw tayong masyadong umasa na ‘yung pinakamagagaling talaga ang lalabas na winner dahil 50% pa rin

ng labanan ay ang padamihan ng boto sa text.

At hindi pa grand finals iyan, ha! Kung tutuusin nga ay pa-bonus portion na lang itong Ultimate Resbak ng show! Sayang din kasi ang mataas na ratings kung hindi pagkakakitaan, ‘di ba?