Una sa Balita

Mga gown ni Catriona pinagkaguluhan, ginawang tourist spot sa Pampanga

By
0 725

Nasilayan nang malapitan ng mga pageant fan ang tatlong bonggang gown na sinuot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Bangkok, Thailand noong nakaraang December 17, 2018.

Idinispley ang tatlong specially-designed gown na ito ni Mak Tumang na Sinag, Adarna at Mayon sa SM City Pampanga noong nakaraang December 28 hanggang December 30.

Nagkaroon ng pagkakataon ang maraming mall goer na magkaroon ng picture ng tatlong iconic gown na naging parte ng tagumpay ni Catriona sa Miss Universe pageant.

Ang mga gown na ito ay ang Sinag, ang gown na sinuot ni Catrio­na noong mapanalunan niya ang koronang Miss Universe Philippines; Adarna naman ay ang gown na sinu­ot ni Catriona sa preliminary competition ng Miss Universe; at ang Mayon ay ang pabolosang gown na suot ni Catriona nang koronahan siya bilang Miss Universe 2018.

Ni-release naman via social media ni Mak Tumang ang ikaapat na gown na dala rin ni Catriona sa Miss Universe pero hindi niya ito sinuot pa. Ito ay ang Perla Oriente or Pearl of the Orient Seas gown na kulay blue green and gold.
Pinost ng designer ang sketch at photo na suot ni Catriona ang naturang gown sa Facebook.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy