Una sa Balita

Mga Ginebra fan todo-protesta sa goaltending review

ANYARE?

By
0 1,092

NABULABOG ang social media matapos saksihan ang bagong ruling ng PBA ukol sa pag-­review ng goaltending call sa krusyal na segundo ng bakbakang Ginebra at Rain or Shine noong Sabado sa Calasiao, ­Pangasinan.

Sa huling 38.5 segundo ng laro, nakanakaw ang Ginebra guard na si LA Tenorio ng inbound pass para sana sa mada­ling lay-up, tatlong puntos na lang ang hinahabol. Pero agad ding nasagot ng RoS defensive specialist na si Gabe Norwood nang maka­blangka na pinituhan ng mga referee.

Kitang nagreklamo pa si Norwood matapos ang pito, ngunit agad na kumalma matapos i-­review na malinis na block ang kanyang ginawa na naging mitsa para ‘di na muling makabutas ang Ginebra at matalo, 83-80.

Nang ianunsiyo ang hatol, pinapunta sa center court ang lima ng bawat koponan para sa jumpball, na ikinainis ni Ginebra coach Tim Cone at mga fan dahil nang mangyari ang block ay nakuha ang bola ni Scottie Thompson.

“Pano naging jump ball un e after the block nakuha ni Thompson!!! oh yeahhhh,” saad ni @mc20yummy.

“Ref who whistled goal tending should be sanctioned,” giit ni @xtinmay.

Sa press conference ng liga sa kaagahan ng buwang ito, unang inianunsyo ang nasabing rule – maire-review na ang lahat ng mga goaltending call sa kahit anong punto ng laro.

“Goaltending will be reviewable from start to finish like how we review if a basket is three-points or not,” sambit ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Ipinaliwanag din ni PBA statistician chief Fidel Mangonon III ang bagong rule, sinaad na tama lang ang naging tawag ng mga referee ukol sa jumpball.

“According to PBA rules, ref made a goaltending call. So play stopped right there. No team had possession. Whether Ginebra got possession of ball after alleged goal-tend or not is irrelevant already. So it was reviewed. If it was goal-tending, RoS possession. If not, jumpball,” ani Mangonon. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy