Una sa Balita

Mga Ginebra fan dumipensa kay Caguioa

By ,
0 2,074

MAINGAY ngayon ang balita tungkol sa pagkakasangkot ni PBA star at Brgy. Ginebra veteran Mark Caguiao sa umano’y nakuhang iligal na droga at baril sa sports utility vehicle (SUV) na nakapangalan sa kanya sa NAIA kamakalawa.

Sa video na inilabas sa Youtube Page ng Walang Preno TV, inilahad nito na mga detalye sa pagkakahuli ng sasakyan ni Caguioa.

Ayon sa ulat, nakasalpok aniya ng taxi ang naturang sasakyan at muntik na itong tumakas. Naitimbre agad ang insidente sa airport police at nang suriin ang sasakyan ay napag-alaman na pag-aari ito ni Mark Caguioa base sa rehistro ng sasakyan.

Pero para sa ilang tagahanga ni Caguioa, ang naturang balita tungkol sa kanilang idolo ay malaking fake news.

Para kay Ryan Maryland, isang malaking fake news ito: “Di naman si Caguioa ‘yan eh,” komento niya.

Si Charles Espinosa naman ay napasabi ng, “sasakyan lang ni Mark Caguiao gamit ng suspect pero pagmumukha ni Mark ang ibalandra n’yo na parang siya ang may kasalanan, parang may gustong ipahiwatig,” bulalas nito.

Ilang viewers din ng nasabing video ang nanggagaliti sa galit sa bintang na ibinabato kay Caguiao.

Sabi ni Hunyango: “%$&@&@%@ video­ yan, hindi naman pala si Mark Caguioa ang may sala puro mukha niya ang nasa video,”­ sambit nito.
Sabi naman ni Zoey Jimenez, ito ay isang “Fake News.”

Sinubukan ng Abante/Abante TONITE na kunin ang panig ng pamunuan ng Barangay Ginebra kaugnay sa isyu suba­lit hindi sumasagot sa mga text ang mga opisyal ng koponan.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga pulis ang natu­rang insidente. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy