Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga gabinete binawal ni Digong sa Senate probe

0 13

Dadaan sa mga kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya kung papayagan o hindi ang isang gabinete na humarap sa imbestigasyon ng Senado.

Ito ang inihayag ng pangulo sa kanyang Talk to the People kasunod ng obserbasyon na kung saan-saan napunta ang isyung kinakalkal ni Senador Dick Gordon.

Pinuna ng Presidente ang imbestigasyon ni Gordon kung saan ipinapahiya ang mga ipinapatawag sa Senate Blue Ribbon Committee o kung hindi man ay hindi pinapatapos magsalita at pinapahintay ng hanggang pitong oras bago maisalang.

“Ganito ang proposal ko: I will require that the cabinet members invited to your hearings that he will clear the invitation with me. This time I will require every cabinet member to clear with me any invitation and if I think that he will be called for walang silbi except to harass, to be berated in front of the republic, eh hintuin ko na ‘yan at pagbawalan ko na,” anang pangulo.

May option aniya ang mga senador na i-cite ng contempt ang mga hindi dadalo pero siya ang mag-uutos na huwag dumalo ang isang opisyal.

Pinuna rin ni Duterte na nanganak na ng ibang isyu ang imbestigasyon na ngayon ay ang tinutumbok ay isyu ng droga at si Michael Yang.

“Itong Senate hearing, we do not question the authority and the power of the Senate to investigate in aid of legislation, ‘yan ang sinasabi nila. But nakita ko na pinapatawag ninyo almost so many persons and yet you are only able to put the resource for five-six, seven hours at ‘yong iba naghihintay na wala namang silbi,” wika ng pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.