Una sa Balita

Mga frontliner pararangalan sa libro ni Catriona Gray

0 622

Habang nasa bahay lang si Miss Universe 2018 Catriona Gray, nagiging productive ito at sinimulan na niya ang pagsulat sa kanyang inaabangan na libro.

“Using my time to write my #ConqueringYourUniverseBook! So excited for you all to gain a deeper insight to my journey thus far!” ayon pa kay Catriona.

Noon December 2019 pumirma ng kontrata si Catriona with ABS-CBN Books para sa kanyang Conquering Your Universe book na ayon kay Catriona ay isang “collection of lessons that I’ve learned in the past couple of years that I feel really allowed me to achieve what I did.”

Hindi lang daw ito tungkol sa pageantry “but can be applicable to anyone from whatever walk of life.”

Maisasama nga raw niya sa kanyang libro ang matinding pagsubok na pinagdaraanan ng Pilipinas ngayon dahil sa COVID-19.

Saludo nga ang former Miss Universe sa mga nasa frontline dahil sa serbisyo na binibigay nila kahit na may malaking chance na mahawa sila sa sakit.

“To every other person who doesn’t have the opportunity to stay at home. Knowing that they are out there, working tirelessly, being away from their families, gusto ko lang sabihin maraming, maraming salamat po sa lahat ng servicemen at servicewomen natin.

“To all the medical staff, doctors, nurses, lab technicians, medical admin staff, and health workers.

“To all the cashiers, supermarket staff, truck drivers, and those who work in getting foods and goods to the rest of the population, to the security guards, policemen and women, and military personnel — thank you. Thank you for your service in this time of need.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More