Una sa Balita

Mga fast food nagkakaubusan ng soft drinks

By
0 1,797

Maraming consumer ang nakapuna at nagrereklamo sa umano’y nagkakaubusan ng soft drinks sa mga fast food chain na pinaniniwalaang epekt­o na ng karagdagang buwis na ipinataw sa mga inuming matatamis sa ilalim ng Tax Reform for Accele­ration and Inclusion (TRAIN) Law.

Unang napansin ito noong Miyerkoles ng Facebook user na si Roan Ronaldo sa Jollibee sa Mall of Asia.

Dagdag ng mga netizen, wala ang isang brand ng soft drink na sini-serve maging sa iba pang fast food chain katulad ng Chow King, Burger King at Mang Inasal na Jollibee Food Corp. din ang may-ari.

Abante Hiring – IT dep

Sabi ng FB user na si Thiella Belen, sinabihan sila sa Jollibee na wala muna itong soft drinks na gawa ng Coca Cola Philippines noong magtanong siya para mag-book ng party.

Hindi lang Jollibee at mga kompanya nito ang naubusan naturang produkto ng soft drinks kundi maging ang iba pang fast food chain.

Hindi lang din umano sa Metro Manila nagkakaubusan ng soft drink sa mga fast food chain.

Sabi ni Kim Angelee Choa, maging sa Iloilo nagkakaubusan na rin ng stock ng soft drinks.

Sinisisi ng marami ang mahal na presyo ng asukal sa kakula­ngan ng soft drinks sa ngayon at inaasahan nilang tataas pa ang presyo nito dahil sa TRAIN Law.

Ilang araw na nang tinanong ng Abante ang Coca Cola Philippines tungkol sa kakulangan ng produkto nito sa merkado pero wala pa rin itong sagot hanggang ngayon.