Una sa Balita

Mga fashion tip ng mga celebrity

0 228

NGAYONG pumasok na ang Christmas season, ramdam na ang lamig ng panahon pero ­hindi ­pa rin talaga matantya ang ­weather dahil minsan biglang ­uulan kaya malamig at minsan parang ­summer sa init.

Kaya naman medyo mahirap humanap ng OOTD (outfit of the day) para sa kababaihan lalo na sa mga fashionista.

So base sa mga fashion savvy na mga artista, narito ang ilang fashion tips:

*Kapag nagdadalawang-isip kung nais ba magsuot ng ­pormal o casual, maaring magsuot ng midi skirt habang simple t-shirt lang sa itaas gaya ng ilan sa mga outfit nina Alex Gonzaga at Heart Evangelista.

*On trend din ang magsuot ng spaghetti strapped clothes o dress with matching jacket na puwede namang hindi suotin ng buo para hindi gaanong mainit, tipong ­naka-sly down lang sa braso ‘yong jacket, mapa-denim, blazer, coat or whatever bilang back-up plan, atleast ready.

*Normal tees and denim pants okay din pero kung ­gusto naman gawing extra fashionable, puwedeng ­simpleng shirt na croppy paired with mom jeans na denim, ­puwedeng hi-waist.

*Havey din ang pag-match ng top and pants, skirt or short. Same color ang coat at pants tapos lagyan ng plain colored top sa loob, madalas white or black ang pang loob para bagay sa lahat ng kulay. Halos lahat ng ­celebrity, ­ganyan ang ginagawa kapag tinatamad mag-isip ng ­matching outfit tapos nagmamadali. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy