Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga fan umalma: Meet & greet ni Regine pumalpak

0 187

Tumalak ang nakababatang kapatid ni Regine Velasquez-Alcasid na si Dianne dahil sa mga akusasyon sa kanya ng ibang mga fan, kaugnay sa nakaraang “Freedom” concert ni Songbird.

Si Dianne ay personal assistant ni Regine sa lahat ng mga trabaho nito.

Idinaan ni Dianne sa Twitter ang pagtataray nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi ako in-charge sa after party at M&G ng Freedom kaya tigilan nyo ako,” sabi ni Dianne.

Ang M&G ay “meet & greet” para sa mga bumili ng VIPs, na naganap matapos ang concert.

Sa reply ni Dianne sa mga comment, sinabi niyang inakusahan siyang nagmanipula ng programa para paboran ang ibang mga fan ni Regine.

Ipinagtanggol naman si Dianne ng ibang VIP viewers at sinabing sila man ay hindi nakapagpa-photo op kay Regine dahil sa dami ng mga fan. (Rose Garcia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.