Una sa Balita

Mga fan super aliw: Vilma nganga sa Ultra Lotto

By
0 1,209

Marami ang naaliw sa Star For All Seasons Vilma Santos dahil sa pagtaya niya sa Ultra Lotto. Isa nga si Congresswoman Vilma sa milyong Pinoy na nangangarap masungkit ang daan-daang milyon na premyo sa Ultra Lotto (na halos isang bilyon na ngayon).

“Tumaya po ako! Good luck guys,” sabi ni Ate Vi sa Instagram post niya, na ipinakita niya ang mga tiket niya ng Ultra Lotto.

At tulad ng milyong Pinoy, talo, nganga rin si Ate Vi. At natuwa nga ang mga fan niya, at pati na siya, na ang tulad nga raw ni Ate Vi, nagbabakasakali rin sa Ultra Lotto.

“Talo!!! Try again next time!” tila natatawa pang sabi ni Ate Vi.

Pero, ang ikinatuwa nga ng mga fan ni Ate Vi ay ang pagtaya nga niya ng lotto na hindi niya itinatago. Kumbaga, para sa mga fan, sa ganitong aspeto man lang ay nakakapareho nila ang kanilang idolo.

“Kakatuwa dahil kayo pala ay mananaya rin ng lotto. Good luck idol,” sabi ni sayatsonia.

“At dahil dito tataya rin ako,” sabi naman ni nikakakekikoku.

“Mam Vi pag nanalo ka alam po namin na i-donate mo yan sa madlang people na nangangailangan ng tulong. God bless,” sabi naman ni jhovslee.

Pero siyempre, hindi pa man siya nananalo, marami na ang humihingi ng balato kay Ate Vi, ha!

Mark napasabak sa bakbakan sa ‘Mile 22’

Trailer pa lang, puno na ng matitinding aksiyon ang bagong pelikula ni Mark Wahlberg, ang Mile 22. Magkasama ngang muli sina Mark at Direk Peter Berg, na unang nagsama sa mga blockbuster movies tulad ng Patriot Day, Deepwater Horizon, at Lone Survivor.

Si Mark Wahlberg ay gumaganap bilang si James “Jimmy” Silva, ang pinuno sa nabanggit na misyon. Matalas ang kanyang isip at palaging nakatuon ang pansin sa trabaho. Mala­king responsibilidad para sa kanya ang pagprotekta sa kanyang bayan at sa kanyang grupo.

Sa kuwento, isang grupo na mula sa puwersang militar ng Estados Unidos na tinatawag na “Ground Branch” ay binigyan ng misyon na dalhin ang isang “foreign intelligence asset” na si Li Noor mula sa American Embassy sa Southeast Asia patungo sa isang paliparan na may 22 milya ang layo para maitakas ito papuntang Amerika. Kailangan magawa nila ito sa loob ng 38 minuto.

Maraming humahabol sa kanila para kunin si Noor dahil sa nalalaman nitong impormasyon tungkol sa plano ng mga terorista na wasakin ang mahigit sa anim na bansa. Upang masigurong ligtas ang Ground Branch at si Noor, ang grupong “Overwatch” naman ang umaalalay sa kanila mula sa kabilang panig ng mundo. Sila ay may kakaibang hacking skills na tumutulong para masubaybayan ang bawat kilos ng Ground Branch at magaba­yan sila sa kanilang misyon sa gitna ng bakbakan.

Si Ronda Rousey naman ang gumaganap bilang si Samantha “Sam” Snow. Tuwang-tuwa siya nang ibigay sa kanya ang papel na ito dahil malayo ito sa kanyang personalidad.

Kahit isang produkto ng imahinasyon lamang ang “Mile 22”, kumunsulta pa rin si Berg sa mga taong may karanasan ng sitwasyong ito sa tunay na buhay tulad ng Navy SEALs, Army Rangers, CIA officers at computer experts para alalayan ang mga actor at ang writers ng pelikula na gawing makatotohanan ang mga eksena.

Ang VIVA International Pictures at MVP Entertainment ang magri-release ng “Mile 22” sa Pilipinas.

Palabas na “Mile 22” sa mga sinehan sa Pilipinas simula sa Oktubre 10.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy