Una sa Balita

Mga fan sobrang galit: Karla inokray, binastos si Ato Arman ng Mindanao

By
0 2,422

Ay nung Sunday din sa aming Chismax show sa DZMM ay pinadalhan nga rin kami ng video ng sinasabing ‘okray’ moment ni Karla Estrada kay Ato Arman, isa sa mga Tawag ng Tanghalan ar­tist na kasama sa big concert ng mga TNT champion last ­Saturday night sa Araneta Coliseum.

Ayon nga sa tsika, marami umanong mga supporter ni Ato ang na-disappoint at na-turn off kay Mother Queen nang patikimin nito ng kanyang kakaibang ‘lambing at pagmamahal’ ang magaling na singer from Min­danao.

Sa portion kasi kung saan katatapos pa lang kumanta nina Ato at unang TNT grand champion na si Noven Belleza, ay agad na tinawag si Karla for her duet with Noven.

At habang nasa stage pa raw si Ato para magbigay-pugay rin kay Karla, ay mabilis daw itong pinagsabihan ni Karla nang “Uy, tapos ka na, alis na.”

Sa mga nakakakilala raw kay Karla, normal na emote lang daw yun ng TNT hurado na guest that night. Medyo may kakaiba nga raw itong paraan ng pagpapatawa (kung patawa man ‘yun).

Pero siyempre sa mga hindi siya kilala, kabastusan at pang-ookray daw ‘yun.

Kaya naman nang sumabit at makalimutan daw ni Karla ang lyrics sa isang part ng duet nila ni Noven, hayun nga at masa­yang nagsigawan daw ang mga manonood ng ‘digital talaga ang karma. Buti nga sa iyo’.

Ouchhh!