Una sa Balita

Mga fan nina Maymay, Kisses sinermunan ni Karla Estrada

0 4,772

Bongga ang pangaral, sermon ni Queen Mother Karla Estrada bago ito kumanta sa concert ni Kisses Delavin.

Sinabihan nga niya ang mga fan nina Kisses at Maymay Entrata na itigil na ang fandom war at spread love na lang daw.

Kinilig din si Kisses sa sinabi ni Sam Milby na siya nga raw ang paborito niya noon sa Bahay Ni Kuya, kaya nang personal siyang imbitahan ng Kapamilya young star for a spot a concert nito ay um-oo kaagad siya.

Maging si Marlo Mortel ay hindi tinanggihan ang imbistayon sa kanya dahil malaki raw ang utang na loob niya kay Kisses na nang mag-concert siya para sa kanyang ina na may kanser, ibinigay nito ng libre ang kanyang serbisyo.

All said, masaya at successful nga ang Confidently Kisses Concert, kaya super-happy talaga siya.

Birit Queens buwag na

Marami nga raw ang nagha­hanap sa Birit Queens sa ASAP dahil ilang buwan na itong hindi nakikita.

Kaya nga, may espekulasyon raw na tsugi na ang grupo nina Angeline Quinto, Jona, Klarisse de Guzman, at Morisette.

Tuloy, marami ang nakaka-miss sa mga basagan ng tengang prod number nilang apat. Well, totoo naman daw na hindi na sila makikita, pero hindi ibig sabihin nito ay tsugi na silang apat sa ASAP.

Kalakaran na raw sa Sunday variety show na ito na every two years ay nagkakaroon ito ng regrouping para hindi pagsawaan ng mga tao.

Kung babalikan, ilang grupo na nga rin ang nawala kahit hit ito sa audience katulad na lang nung Soul Sessionistas noon nina Iza Seguerra, Sitti, Richard Poon at iba pa.

Sigurado raw na may bagong binubuo na naman ang ASAP management na tiyak ikasisiya ulit ng mga audience at home viewers.

Samantala, kanya-kanya munang raket this time ang mga Birit Queens.