Una sa Balita

Mga fan ni Bianca binastos si Kyline

By
0 1,401

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyHindi pinaglapas ni Kyline Alcantara ang insidente sa kanyang nakaraang performance sa iloilo nang makaranas siya nang pambabastos sa isang grupo ng mga fans doon.

Ipinahayag ng GMA artist ang disappointment niya sa kanyang tweet at diretsahang sinabi niyang nabastos siya sa pangyayari.

@2002kyline, “Sorry if I cried in the middle of my performance. Sorry kung may negativity na pumasok dun sa stage while I’m performing. I’m sorry. All I want is to spread positivity sa lahat. Pero, nakakabastos lang.”

Abante Hiring – IT dep

Pinaghihinalaan sa thread ng Tweet conversation ng posting ni Kyline na isang grupo nang mga fans ni Bianca Umali ang nambastos kay Kyline.­

@1998ChrisJames, “BAKA WALA DIN MGA FANS NI BIANCA KAYA GANON ANG UGALI WALANG RESPETO.

@bernieplacido, “so fans pala ni Bianca? Sana naman kausapin ni Bianca fans niya na hindi tama ang ginagawa nila, Magre-reflect sa idolo nila ang ginagawa nilang pambabastos. Si Bianca rin masisira sa ginagawa nila.”

@itsakinicoledvm, “gumastos pa sila para lang mambastos”

@ImMjAgpalasin, “napakabastos pala ng fans ni Bianca”.

Dumepensa naman ang isang fan.

@sebgillesanya, “Bot because @bianx_umali’s fans were supposed the “rude” people there that doesn’t mean that all are. Differences na po yan ng mga tao don’t genera­lize them you’re being rude as well.”

Pumagitna si Kyline sa isyu at nakiusap sa kanyang mga fan.

@2002kyline, “I’m ok now, thank you but please don’t go that far.”

Nanatiling tahimik lang si Bianca­ sa isyu kahit naka-tag sa kanyang Twitter account ang isyu.