Una sa Balita

Mga fan ng Tawag ng Tanghalan nagprotesta ‘lasenga’ kinampihan ng ‘Showtime’

By
0 5,080

Thursday winner ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime ang Philippine Idol champion na si Mau Marcelo. Ang Philippine Idol ang local adaptation at franchise ng American Idol na napanood sa TV5 noong 2006.

Matagal na nawala si Mau sa local music scene kaya sumali siya sa Tawag ng Tanghalan dahil sa pagbabaka-sakali na ma-revive ang singing career niya.

Ipinagtapat ni Mau ang pagiging alcoholic pero gusto niya na makabalik sa sirkulasyon alang-alang sa kanyang mga anak.

Tinalo ni Mau sa Thursday edition ng Tawag ng Tanghalan ang young defending champion na si Jehramae Trangia. May mga nagprotesta sa pagkatalo ni Trangia dahil mas maganda ang pagkanta nito kung ikukumpara sa performance ni Mau na pagod na ang boses na resulta ng bisyo niya.

Nanghinayang kami dahil natalo si Trangia na may klaro na boses at malayo pa ang mararating pero ang kanyang kalaban na ilang beses nang nabigyan ng big break pero nagpabaya ang pinili ng mga hurado na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Erik Santos, Jed Madela at Billy Crawford.

Obviously, nakabawas sa soulful singing voice ni Mau ang pagiging alcoholic pero masuwerte pa rin siya dahil nakuha niya ang ‘sympathy votes’ ng mga hurado na malinaw na nagpaapekto sa malungkot na kuwento ng kanyang life journey.

Maraming beses nang nabigyan ng tsansa sa entertainment industry si Mau na kasabayan nina Mark Bautista at Sarah Geronimo sa 2003 singing contest na Star for a Night, nagkaroon ng sariling album at mga show sa ibang bansa pero pinakawalan niya ang mga oportunidad dahil sa bisyo.

Hindi nag-iisa si Mau dahil marami sa mga dating sikat na singer at artista ang nawalan ng career dahil bukod sa pagi­ging lasenggero, nalasing sila sa tagumpay. (Jojo Gabinete)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy