Una sa Balita

Mga fan nandiri sa Derek, Korina tandem

0 1,048

Ni Athena Yap

Usap-usapan ngayon ang pinost ni Derek Ramsay sa kanyang Instagram na kasama si Korina Sanchez. Mala-“Girl In The Orange Dress” ang datingan ng picture nilang dalawa. Hindi nakalagay kung anong partikular na proyekto ang mayroon sila.

Nag-comment naman ang aktres na si Bea Alonzo sa naturang picture ng ‘apoy’ at tinag si Korina.

Well siyempre, hindi mawawala ang reaksyon ng mga fan na siyang ginawang katatawanan ang litrato nina Derek at Korina. Nasa imagination daw nila ay isa itong mala-glorious na palabas dahil bata raw mas­yado si Derek para kay Korina.

Sabi pa ng iba ay kung ang kina Angel Aquino at Tony Labrusca raw ay “Glorious,” puwede raw ma­ging title ng kay Korina at Derek ay “Golden.” Binanggit pa ang tagline ng Rated K na “Handa na ba kayo?” bilang literal na reaksyon sa upcoming project ni Derek at Korina.

Bumilib naman ang ilang kababaihan kay Korina dahil mukha pa ring bata kahit ang edad ay nasa 50 na at sinabing hindi naman daw malaswa ang tamba­lang Derek at Korina.

Pero siyempre meron pa ring kumontra at sinabing nakakadiri raw kung iisipin. Kesyo yukkk daw kung iisipin, ha! Kaloka naman, ha!

Pero sa totoo lang, nakakabilib nga ang photo na magkasama sila, dahil ang seseksi nila, ha! Alam mong hindi sila mga pabaya sa mga katawan nila. At doon man lang, masarap silang tularan at panoorin.