Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga fan naloka: Kim nag-tweet ng #NoToABSCBNFranchiseRenewal

0 498

Muling naging sentro ng katatawanan sa social media ang “Love Thy Woman” actress na si Kim Chiu dahil sa hindi sinasayang hindi niya pag sang-ayon na mabigyan ng bagong prangkisa ang kanilang network.

Habang ginaganap ang pagdinig sa Kongreso kaugnay sa franchise renewal ng Kapamilya network, nag-tweet si Kim na may pa-hashtag na #NoToABSCBNFranchiseRenewal.

Nagtaka tuloy ang mga netizen kung sang-ayon ba si Kim sa pagpapabasura ng prangkisa o nagkamali lang ito? Well, siyempre ay obyus naman na nagkamali lang ito.

Anyway, agad ding dinilete ni Kim ang post na iyon ay pinalitan ng #WeAreOneKapamilya.

Tawang-tawa lang ang mga netizen sa pagkakamali ni Kim na `yon, kaya hayun at humamig na naman siya ng halo-halong reaksyon.

“Mars Kim, alam mo ba sinasabi mo?”

“Gorl, ayaw mo tumigil? Magiging katatawanan ka na naman.”

“Dami kong tawa, dinelete din agad!”

Ilan lang `yan sa mga comment ng mga netizen sa mistaken tweet ng aktres. (Athena Yap)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.