Una sa Balita

Mga fan nairita na: Sarah ‘di pakakasalan ni Matteo sa 2020

0 544

abante-paistaran-dondon-serminoAt biglang gumuho ang mundo…

Ganyan ang eksaktong naramdaman ng mga fan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Mga fan na tila sarado na ang isip, na ang nakatatak na lang sa mga kukote nila ay ang kasal ng dalawa.

At paano nga ba gumuho ang mundo ng mga A­shMatt fan?
Well, bigla kasing nag-post si Matteo ng ‘marriage proposal’ sa Instagram niya. Pero, wala si Sarah sa mga photo na ‘yon.

Kasi nga, ang nag-propose ay ang dyowa ng kanyang sister (Giorgia) na si Ian.

“#GiroDluca2019 3rd day finished but I didn’t ride today. It was a special day indeed. Ian proposed to my sister. Congratulations @giorgiafguidicelli and @ian.dato!” caption ni Matteo.

Meaning, mauuna ngang pakasal ang sister ni Matteo na si Giorgia, kung hindi this year, malamang next year, o 2020, ‘di ba?

So, malabong magkaroon ng ‘wedding proposal’ lalo na ang kasalan sa pagitan nina Sarah at Matteo ngayong 2019, pati na rin sa 2020.

love_sarahg: “Tanong ng taong bayan KELAN BA ANG KASALANG A­SHMATT?”

gladzmaeasher: “Kailan ba ang ashmatt naman?”

lurzi08: “Congrats to them! Kau po ni sarah kelan?”

buhayanrubie: “Xcited po kami pag ikaw na magpo-propose kay royalty sir!”

maika_eunice: “Kuya @matteog daming nagtatanong kung kailan daw kasal nyo.”

akosigingsaulan: “@matteog pressured?”

briannedrey: “So walang sarah matteo wedding this year. Sukob. Ikaw @matteog kaylan ka magpo-propose sa Idol naming SG.”

miclatmira: “Nasagot na mga tanong natin na walang mangyaya-ring proposal ngayon for Matteo and Sarah…sad truth…. congrats to your sister.”

perla1753: “baka may takot si Matt sa responsibility.”

miclatmira: “let’s find out na lang po what will happen. Let’s just pray for their happiness to both of them. Only God knows if they are meant to be po.”

valladares9300: “Hehe guy’s Hindi pwede mauna ang younger kailangan muna ang eldest after that sila na Mark my words hehe.”

ashmatt_fan: “Hopia mani popcorn tayo sa AshMatt. Sakit besh! Congrats manang Giorgia!!! Best wishes to both of you!”

Dito na nga pumasok ang pagkairita ng mga fan kay Matteo, na feeling nila ay pinapaasa lang ang idolo nilang si Sarah.

niceme_23: “Panay pa-kilig lang alam nya.”

abeeinmybonnet_: “No AshMatt wedding this year kung December si Ian at Giorgia.”

iamcharlinsagun: “Hay sana nmn Matteo mag propose kna bka nmn nag aantay na si Sarah ready na sya kc 30 na rin sya di na sya bumabata. U know what i mean?”

skayburn: “nabilaokan ako. hahaha di nako aasa. sakit e. naunahan na cla… ayaw kona. Sarah iloveyou.”

mags16ph: “Lahat ng ashmatt nalungkut,umaasa p naman ako.”

loveyashmatt: “Ayoko na mag-speculate nabibigo lng ako naunahan pa nung kapatid. Waiting na lang kung mayroon announcement. Congrats Ian at Giorgia.”

yourstrulalu: “Naunahan ka pa. Ano na @matteog? Anong petsa?”

miclatmira: “Basta huwag lang sana masaktan si Sarah if hindi talaga meant to be sina Sarah and Matteo masakit pero God only knows what’s best for the two. Sana walang masaktan specially Sarah.”

katlibec: “Mga AshMatt wag na kayo umasa. Maghihiwalay na yan sila pagkatapos ng army training.”

hailee_que: “Excuse me, its not Matts’ fault kung hindi pa sila pwede magpakasal. Sa side ni Sarah may problem kasi bawal pa ayaw ng parents kasi hihina na ang ang mga raket and kasikatan. Remember nung nag-breakdown sya sa concert nya last year na mentioned nya na need mag work nang work habang in demand sya. Sarah’s family and management is more into money.”

saicortez: “Naaawa ako kay Matteo. Nakakatawa yung mga comment ng mga tao dito! Grabe naman kayo maka pressure kay @matteog . kawawa naman yung tao sainyo parang alam na alam nyo nangyayari sakanila. Wag nyo sila i-pressure, magpo-propose yan kung kelan nila gusto, hindi dahil umaasa kayo. Buhay nila yan. Audience lang kayo so wag masyadong fee-ling entitled mga beshy.”

Oh, ‘di ba? Labo-labo na ang mga fan. Ganyan sila ka-involved sa relasyon nina Sarah at Matteo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy