Una sa Balita

Mga fan naihi sa kalandian nina Paolo, Martin, Christian

0 451

Full house ang isang theatre na ang pinanood ay “Panti Sisters” noong isang gabi kami nanood. Throughout the screening ay walang tigil ang mga manonood sa halakhakan sa iba’t ibang eksena ng nasabing pelikula. Maski ang katabi namin ay napapaihi na sa katatawanan. Ang galing ng lumikha ng pelikulang ito na 3 baklang magkakapatid ang bida.

Saludo kami sa tatlong magkakapatid na pinakita ang kani-kanilang galing sa pag-arte bilang mga binabae. Lalo na si Martin del Rosario na ubod ng ganda bilang babae. Deserving siyang manalo as Best Actor sa pagganap niyang bading sa “Panti Sisters”. Ganoon din si Paolo Ballesteros na at home na at home sa pagiging bading.

Kaya naniniwala kami na tatabo pa ito ng maraming pera dahil pinipilahan ng manonood. Nabuhay na naman ang pelikulang Pilipino. (Joe Barrameda)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy