Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga fan nahikayat magpabakuna: DongYan may ‘K’ na mga ambassador ng DOH

0 43

Ang lakas talaga ng impluwensiya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Matapos ngang ma-post sa social media, at maibalita, na nagpabakuna na sila, biglang nagkaroon ng lakas ng loob ang mga fan nila na magparehistro para sa bakuna.

“Ayan, nabakunahan na ang DongYan, puwede na akong pumila,” sabi ng isang fan.

Kasama nga sina Dingdong at Marian sa listahan ng mga Kapuso star na nabakunahan na kontra COVID-19. Nais ng mag-asawa na hikayatin ang lahat na magpabakuna para maprotektahan ang kani-kanilang mga pamilya laban sa virus.

Isa rin itong paraan para masiguro ang kaligtasan at kalusagan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sabi tuloy ng mga netizen, dapat ay kuning mga ambassador ng Department of Health sina Marian at Dingdong dahil epektibo, at nahikayat talaga nila ang mga tagahanga nila na magpabakuna na. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.