Una sa Balita

Mga fan nagwala: Arjo deny to death kay Maine

By
0 988

Makikita sa Instagram story ni Arjo Atayde ang ipinost na story ng isang blog, na kung saan nga ay nakalagay na kesyo nag-post ang binata ng photo nila ni Maine Mendoza sa kanyang Facebook account.

Pero sa gitna ng photo, o sa bandang ibaba mismo ng photo na magkatabi sina Maine at Arjo, may naka-caption na ‘not my account’. So, ang lumabas na photo ba ay hindi mismo galing kay Arjo?

Nu’ng chineck ko naman ang pinanggalingan ng photo, verified naman ‘yon (may blue check). ‘Yun nga lang, medyo mababa ang mga follower na umabot lang sa 7,285.

Puwede nga na hindi alam ni Arjo ‘yon, at ang mga fan lang ang gumawa ng page niyang ‘yon.

Pero ang nakakaloka nga, sa mahigit 400 na komento sa naturang photo, lamang na lamang ang galit na galit kay Arjo, ha! Sangkatutak na pagmumura, at pagbabanta na naman sa buhay niya ang makikita mo.

May mga nagsasabing tanggap na sana nila sina Arjo, Maine, pero dahil sa pagpo-post ng mga photo na ito, kumulo ulit ang dugo nila. Wish nila na sana ay tahimik na lang ang relasyon nina Maine at Arjo, eh.

May iba na hindi pa rin makapaniwala na sina Arjo at Maine na talaga, na feeling nila ay edited lang ang photo na ‘yon.

Pero, ang nakakaaliw, pinagseselos ng iba si Arjo, na kesyo sobrang sweet nga raw ngayon nina Maine at Alden Richards.

Well, isa lang ang malinaw, itinaggi ni Arjo ang Facebook page na ‘yon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy