Una sa Balita

Mga fan nagulat sa Bianca, Sen. Win relasyon

By
0 666

Marami ang nagtaas ng kilay sa mga kumalat sa social media na isang photo na magkasama sina Sen. Sherwin Gatcha­lian at ang beauty queen turned actress na si Bianca Manalo.

Naka-pink polo shirt pa raw si Senator Win samantalang naka-white skirt at black top si Bianca na labas ang kanyang cleavage.

Hula ng marami na nagde-date ang dalawa at mukhang hindi naman nila ito tinatago.

Huling nabalitaang karelas­yon ng former Miss Universe Philippines si Antique Mayor Jonathan Tan. Kung matatandaan ay na-headline pa ang dalawa dahil sa isang traumatic boat accident noong Holy Week last year. Ayon sa isang reliable source, matagal na pala silang naghiwalay.

Na-link din noon si Bianca kina John Prats at sa Brazilian-Japanese model na si Fabio Ide.

Dahil sa kumalat na photo nila Bianca at Senator Win, hindi napigilang mag-comment ng ilang netizen.

Heto ang ilan:

“Matindi talaga si ateng. Magnet ng pulitiko. Whatever happened to your Mayor boyfriend?”

“They broke up already. I hope Bianca finds her Mr. Right na, pangit din kasi yung papalit-palit ng nobyo.”

“Komo boyfriend kela­ngan dun ka makasal? Kaya nga yun ang getting to know. Eh kung d swak ganun lang. Enough for demure & morality. Kundi kasundo hanap.”

Akala ko may boyfriend si Bianca na pulitiko rin? Di ba muntik silang malunod dati?”

“Maybe it was too traumatic for her kaya wala na sila.”

“True love, love Wins.”

Wala pang confirmation mula kina Bianca at Senator Win kung totoo nga bang may namumuong relasyon sa kanila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy