Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga fan nabuwisit sa TV5: Jose, Pokwang isinabong kay Willie

0 198

Alam mo, Dondon (my dear editor), marami akong mga kilala na nanonood ng “Paano Ang Pangako?” (“Paano Ang Pasko?” noong book one) ang disappointed dahil simula kagabi ay binago ng TV5 ang time slot ng teleseryeng ‘yon, huh!

From 9:00PM, naging 7:15PM na ang teleserye nina Beauty Gonzalez, Maricel Laxa, Bing Loyzaga, Elijah Canlas, Miles Ocampo at iba pa.

Eh, nasanay na kasi ang viewers sa time slot na ‘yon ng “Paano Ang Pangako?”, ‘tapos biglang inilipat sa mas maaga, kaya may ilang mga nakausap ako na nabuwisit.

Ang iba, nagsabing imposibleng masundan pa nila ang istorya ng “Paano Ang Pangako?” dahil wala pa sila sa kani-kanilang mga bahay sa bagong time slot ng “Paano Ang Pangako?”.

Actually, hindi lang naman sila ang naiba ang time slot.

Pati ang “Fill In The Bank” at “Bawal Na Game Show” game shows, naiba rin.

Ang game show nina Pokwang at Jose Manalo, 5:00PM na tuwing Monday, Wednesday at Friday at Tuesday at Thursday naman ang game show nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Ay, parang ang gulo ng TV5, ‘noh?!

So, ang katapat ng game shows ngayon nina Pokwang, Jose, Wally at Paolo ay ang “Wowowin Tutok To Win” ni Willie Revillame, huh!

Naku, kung matatandaan, noong pareho pa silang nasa ABS-CBN, magkasama sina Willie at Pokwang sa “Wowowee” at katapat nila sa “Eat Bulaga” ng GMA 7 sina Jose, Wally at Paolo.

Ano kaya ang reaksiyon ni Willie?

Anyway, nang tsikahin ko si Direk Perci Intalan na isa sa producers at directors ng “Paano Ang Pangako?”, sinabi naman niyang dahil sa pagbabago ng time slot nila, mas humaba na sila.

“Bale 45 minutes na ‘yung ‘Paano Ang Pangako?’. Dulo ng ’24 Oras’ (ng GMA 7) ang katapat namin,” sabi niya.

Nang sabihin ko na sana kapitan ng viewers ang new time slot niya, sagot naman ni Direk Perci, “Oo nga, eh. Sana talaga mahabol ng viewers.”

Well… ‘Yun na lang daw ang nasabi ko!

Rachelle nagpasalamat sa Abante

‘Katuwa naman ang singer/stage actress na si Rachelle Ann Go, huh!

Naisulat ko kahapon dito sa Abante ang tungkol sa virtual baby shower niya noong Saturday dahil naikuwento ‘yon sa akin ng philanthropist/businesswoman na si Pinky Tobiano.

Ang tungkol sa hiling na dasal ni Rachelle Ann para sa kanyang safe na panganganak sa first week of March ang title ng column item na ‘yon.

At kahit nasa London, United Kingdom si Rachelle Ann at malapit na ngang manganak, nag-effort siya na mapasalamatan ako, pati ang Abante, tungkol sa bagay na ‘yon.

So, touching nga, Dondon, ‘di ba?!

Gumawa ng group chat si Pinky na kasama si Rachelle at sabi ng singer/stage actress, “Hi there, Jun. Just read the article! Appreciate you. Thank you for that (with three heart emojis). Be blessed!!! (with praying hands emoji)”

‘Di ba, Dondon, nakakatuwa si Rachelle Ann. Malabo siya sa ibang mga artista/celebrity, na hindi marunong mag-appreciate sa tulong ng entertainment press, ‘noh?!

Anyway, sa chat na ‘yon, nabanggit din ni Rachelle na three weeks to go na lang at manganganak na siya!

Nice!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.