Una sa Balita

Mga fan kinilig Joshua, Julia todo harutan

0 310

Viral na naman sina Julia Barretto at Joshua Garcia dahil sa bagong video na in-upload ng young actress sa kanyang Instagram.

May caption ito tungkol sa pagiging baby-like ni Joshua kay Julia.

@juliabarretto, “baba is the baby talk master but he’s shy to let the world know.”

Mapapanood ang tatlong video sa pos­ting ni Julia na nagkakatuwaan silang dalawang magdyowa.

Naka-selfie mode si Julia sa kanilang dalawa ni Joshua sa video.

Naaliw at kinilig ang netizen dahil maglalambing na parang batang paslit si Joshua kay Julia.

Nakasubsob ang ulo nito sa balikat nang aktres at nagbabi-baby talk.

Nang tuksuhin na ni Julia si Joshua at pi­liting gawin ang baby talk sa harap ng kamera, parang batang nahihiya pero tumatawa ang young actor.

Panay rin ang subsob nito sa balikat at leeg ni Julia na parang kinikilig na bata.

Aliw na aliw si Julia sa reaksyon ni Jo­shua at cute na tawa nito.

Malakas ang impact sa mga netizen ng eksena na nagpapakita ng harutan at lam­bingan ng magkasintahan.

Nakakahawa ang masayang kulitan ng dalawa lalo na ang tawa ni Joshua at saka sumusubsob kay Julia.

Isa lang ito sa mga lambingan-vid nina Julia at Joshua, pero ito na ang pinakanakakaaliw at nakakakilig kaya nai-share na ito ng kanilang mga fan.

Kris Bernal umaariba sa negosyo

Darating ang panahong magiging past time at pang-ekonomiya ika nga ni Kris Bernal.

Nagtayo ng sarili niyang resto si Kris. Isa itong Korean barbecue grill na pinangalanan niyang “House of Gogi”.

Naka-post sa Instagram wall ni Kris ang dalawang magkakasunod na larawan na nagpapakita ng kanyang resto business.
‘Yung isa ay may profile photo niya habang nakaupo siya loob ng kanyang resto.

Nakasaad sa caption ang paraan nya kung paano nya pinatatakbo ang lahat ng kanyang pinasukan.

@krisbernal, “I am one example of an entrepreneur who wants to do everything by myself. I have a tremendous amount of responsibilities considering i am also in showbiz. The key is time management. I organize my schedule. Planning is part of my daily routine to make the best use of my time and accomplish majority of my tasks.”

Ipinagmalaki ni Kris sa hashtag ang kanyang motto na “SheBelievedSheCouldSoSheDid”.

Pinangalanan rin ni Kris sa hashtag nyang #houseofgogiph ang resto niya.

May naunang negosyo si Kris at ito ay isang burger fastfood sa isang food track o gallery, kung saan meron siyang kasosyo.

Sa isa pang hashtag sinabi nitong #solopreneur na ang ibig sabihin ay sarili na niya itong negosyo.

Malaking bagay ang pagkakaroon ni Kris ng isang boyfriend na chef at meat expert.

Ang nasabing lalake ang siyang nagsu-supply ng quality meat sa burger food stall ni Kris at sa kanyang Korean-themed resto.

Sa dami ng business at investment ni Kris, kaya na nitong tumanggi sa mga ­acting projects na di niya type gawin.

Sampal ni Ryza ikinaloka ng kolumnista

Isa namang masayang episode ang natapos noong Martes sa podcast show namin ni Dondon Sermino na “Abantelliling”!!!!.

Guest namin ang mahusay na character actress na si Ryza Cenon, kasama ang isa pang Abante contributor na si Rose Garcia.

Gaya nang naunang episode kung saan ang guest namin ay si Ruru Madrid, lumabas na napaka-candid, spontaneous at nakapasaya ng episode.

Walang script, pakiramdaman lang lahat ang tanungan, na hinugot lang namin nina Dondon at Rose sa experience namin bilang entertainment scribes.

Daming mga kuwento ni Ryza na hindi pa niya nasasabi sa ibang mga writer gaya na lamang ng karanasan niya kay Angel Locsin nang mag-bonding sila sa scuba diving.

Kabilang sa powerhouse cast ng “The General’s Daughter” si Ryza na pagbibidahan ni Angel at ni Albert Martinez. Kasama rin dito ang dyowa ni Ryza na si Pocholo Barretto.

Pero teka lang ha? Daming nangungulit sa akin dun sa sampal ni Ryza sa akin.

Wala talaga akong maalalang blind item na sinulat sa kanya noh? Baka si Dondon!

Do I deserve a slap on my face by Ryza? Well, panoorin niyo na lang.

Pero marami ang naloka sa nangyari at kahit ako noh!!