Una sa Balita

Mga fan, kakampi ‘niyakap’ si Pringle

0 343

MAINIT na winelcome ng Ginebra at sanlaksang fans nila si Stanley Pringle Linggo nang gabi sa Batangas City Coliseum.

Sa kanyang unang laro sa crowd favorites, pinakita ni Pringle ang kalibre bilang scoring champion at iba pang aspeto ng larong bitbit sa Ginebra – 16 points mula sa 6 of 10 shooting, 8 rebounds, 3 assists at 2 steals sa loob ng 35:49.

Click agad ang tambalan nina Pringle at Justin Brownlee, nagsabwatan sa umpisa pa lang para ihatid ang Gins sa 100-85 win sa NLEX. Tinagay ng Ginebra ang pang-apat na panalo sa pitong laro sa PBA Commissioner’s Cup, nabaon sa 1-7 ang Road Warriors.

“It’s great!” bulalas ni Pringle. “Wonderful experience. … Great group of guys, great team, great coaching staff. I’m just glad they all welcomed me, coached me, and helped me get along the whole time.”

Ilang taon ding naging mukha ng GlobalPort/NorthPort si Pringle, 32, bago nai-trade sa Gin Kings kapalit nina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer.

Maganda raw ang pagtanggap sa kanya ng bagong teammates, tinuturuan siya ng sistema ng team sa mag-kabilang dulo ng court.

“It’s a great organization, a great fan-base,” dagdag ng 6-foot-1 Fil-Am playmaker na top pick ng Batang Pier noong 2014. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy