Una sa Balita

Mga fan gigil sa galit: Andrea, Dimples kinawawa si Francine

By
0 675

Gigil na gigil na ang lahat sa mga kaganapan sa “Kadenang Ginto.” Kasi naman, una pinatay na si Robert (Albert Martinez) sa serye, ngayon naman si Romina (Beauty Gonzales) makukulong at si Cassie (Francine Diaz) kakawawain nina Daniela (Dimples Romana) at Marga (Andrea Brillantes)!

Mapagbibintangan kasi si Romina na siya ang nagpapatay sa asawa niya, kaya naman itong si Daniela, sige ang sulsol at talagang ipagdidiinang pera lang ang habol ni Romina sa tatay niya. Siyempre, habang nasa kulungan si Romina, si Daniela magpapaka-reyna sa mansyon nila kasama ang anak niyang maldita rin na si Marga at pagtutulu­ngan si Cassie.

Pero kung akala niyo tapos na ang mga rebelasyon, meron pang baon ang serye dahil nadiskubre na ni Da­niela na tunay silang magkapatid ni Cassie matapos siyang kumuha ng DNA test. Eh di “shookt” si Daniela, dahil ang inaakala niyang bastarda, kadugo niya pala talaga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy