Una sa Balita

Mga fan dismayado sa JaDine

0 369

Pabebe, magimik, paasa:

Matapos ang ilang buwan na ispekulasyon, winakasan na ng JaDine ang mga umuugong na usapan tungkol sa kanilang relasyon at kinumpirma na nga ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng “joint statement” sa Tonight With Boy Abunda (TWBA).

Hindi makapaniwala at hindi matanggap ng mga fan ang katotohanang hiwalay na talaga ang JaDine. Agad nag-trending ang mga pangalang “Ricky Lo”, “JaDine”, “Nadine”, “James Reid” at “Never Not Love You”.

Pati nga ang pangalan ng Momoland member na si Nancy ay damay rin sa trending na inuugnay ng mga fan sa break up issue ng JaDine.

“HALA NOOOO!!!” sigaw ng isang fan.

“Di totoo yan!! Ayoko!” dagdag pa ng isa.

Matatandaang ilang beses itong dinenay ng dalawa sa publiko, kaya pakiramdam ngayon ng mga fan ay napaglaruan sila ng JaDine. Marami ang nainis at sinabing “pabebe” pa sa pagsagot ng katotohanan ang dalawa, hindi rin pala matitiis na sabihin ng dalawa ang real score sa kanila.

Ayon pa sa ibang fan, labis silang nadismaya sa love team dahil pinaasa sila na mayroon pang JaDine. Nagalit pa ang iba dahil pakiramdam nila ay napahiya sila noong ipagtanggol ang love team mula sa mga writer na sumusulat tungkol sa kanilang hiwalayan. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More