Una sa Balita

Mga face mask hoarder makukulong sa kalokohan – solon

By
0 426

Nagbabala ang isang kongresista na mahaharap sa kaukulang kaparusahan ang sinumang mahuhuling nagho-hoard ng face mask at nagsasamantala sa presyo nito kasunod ng pagputok ng bulkang Taal.

Ang babala na ito ni ACT-CIS Party-list Rep. Niña Taduran ay matapos na makarating sa kanyang kaalaman na halos lahat ng pharmacies, grocery stores, hardwares at individual sellers ay nag-overcharging sa pagbebenta ng kanilang masks at iba pang supplies habang nakikita ang pagdagsa ng mga taong namimili nito bilang proteksiyon mula sa pagputok ng bulkan.

“It has come to my attention that certain stores have been charging P200 and up per N95 mask, and there are several individuals who are raking in immense profit after hoarding the masks and selling them online,” ayon sa kongresista.

Babala ng kongresista, multang P10, 000 o kulong na hanggang isang taon ang naghihintay sa mga mahuhuling gumawa nito batay na rin sa itinatadhana ng Section 52 ng Philippine Consumer Act o ang Unfair or Unconscionable Sales Act or Practice.

“Under Section 52 of the Philippine Consumer Act, or the Unfair or Unconscionable Sales Act or Practice, it prohibits sellers from exploiting buyers based on “physical or mental infirmity, ignorance, illiteracy, lack of time or the general conditions of the environment or surroundings,” ayon kay Taduran.

Pinatitiyak din ng lady solon na malinis na inuming tubig sa mga lugar na apektado ng pagputok ng bulkan.

Plano na ring bumisita ng kongresista sa evacuation centers sa Batangas para mamigay ng libreng masks at iba pang relief goods sa mga biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More