Una sa Balita

Mga ex-military rebel delikado sa ginawa kay Trillanes — Alejano

By
0 1,274

NANINIWALA si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano na posibleng mangyari rin sa kanya at sa iba pang dating opisyal ng militar na nagrebelde sa gobyerno ang ginawa kay Senador Antonio Trillanes IV na binawian ng amnestiya.

“A Sword of Damocles is now dangling over the heads of other former military officials who protested or rebelled against the go­vernment and were gi­ven amnesty,” pahayag ng kongresista.

Sinabi ni Alejano na inaasahan na niya ang panggigipit na puwedeng gawin ng admi­nistrasyon sa mga kritiko nito at kahit siya mismo ay maaari umanong ipaaresto ulit.

“Kung inaakala nila na kami ay mapapatahimik sa pagtayo sa aming mga prinsipyo, nagkakamali ang administrasyong ito. Fifteen years ago we stood up against corruption in government. Today, we remain standing and fighting against abuse of power,” pagdiriin ni Alejano.

Nakasuporta aniya ang buong Magdalo kay Trillanes sa gitna ng usapin sa pagbawi ng amnestiya nito.

“As said by Senator Trillanes, he will face this head on. He is ready to answer this and we at Magdalo are fully behind him. I am not dismissing the possibility that the amnesty granted to me can also be revoked given the power-tripping that the Duterte administration is resorting to. Hindi ako natatakot at handa kami sa anumang mangyayari dahil alam naming kami ay nasa tama,” giit ni Alejano.

Binigyang-diin ni Alejano na sinunod ni Trillanes ang lahat ng rekisitos alinsunod sa batas kaugnay sa iginawad na amnestiya para rito kaya wala anyang basehan ang proklamasyon ni ­Pa­ngulong Duterte. ­