Una sa Balita

Mga evacuee sa Batangas nirasyunan ng tubig

0 285

Inayudahan ang libu-libong pamilya na naapek­tuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga ipinadalang Water tankers upang mabig­yan ng ‘potable water’ ang mga residenteng nasa iba’t ibang evacuation area sa mga lalawigan ng Batangas at Laguna na ngayon ay isinailalim na sa state of calamity.

Sa report, ang 30 water tankers ay inisyal na nagdala ng 248 cubic meters ng tubig sa 19 evacua­tion centers sa Batangas at Laguna sa tulong na rin ng Ayala group.

Kahapon, ang ­water tanks ay ikatlong ulit nang nagpa-refill sa ­Laguna Water kung saan halos 10,000 evacuee ang nabigyan ng libreng ‘potable water’ na kailangang kailangan umano ng maraming pamil­yang nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Nitong Enero 13, 2020, nagpadala naman ang ­Manila Water ng 30 ­water tanker trucks sa Balara headquarters sa Quezon City, at nagahatid ng 248 cubic meters ng inuming tubig sa 19 eva­cuation centers sa ­Batangas at ­Laguna, at doon ay nakahimpil ang kanilang mga water tankers.

Sa pakikipag-koordi­nasyon sa Batangas ­Provincial Disaster Risk Reduction at Management Office (­Batangas PDRRMO), ay ­patuloy ang ginagawang pag-ayuda ng Manila ­Water sa mga nasa ­evacuees sa bayan ng Sto. ­Tomas, ­Tanauan City, Lipa City, ­Batangas City, San ­Pascual, San Luis at ­Cuenca, kabilang ang Tagaytay City at ­Alfonso in Cavite, upang mabigyan ang mga ito ng malinis na inuming tubig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More