Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga estudyanteng Noypi hakot award sa Math Olympiad

0 145

Anim na medalya ang nasungkit ng mga Pinoy student sa 62nd International Mathematical Olympiad (IMO), ayon sa Department of Science and Technology.

Nagtapos ang bansa sa 23rd place sa 107 mga bansang sumabak, kung saan tinalo nila ang sariling record na 43rd place noong nakaraang taon.

Sina Immanuel Josiah Balete ng St. Stephen’s High School, Raphael Dylan Dalida ng Philippine Science High School-main Campus, Steven Reyes ng Saint Jude Catholic School at Bryce Ainsley Sanchez ng Grace Christian College ang nakakuha ng silver medal sa tinaguriang ‘Olympics ng math competitions’.

Sina Sarji Elijah Bona ng De La Salle University-Senior High School at Vincent Dela Cruz ng Valenzuela City School of Mathematics and Science naman ay nakasungkit ng bronze medal.

Ang pang-62 IMO ay ginanap sa St. Petersburg, Russia noong Hulyo 14 hanggang 24, at ginawa online dahil sa patuloy na hagupit ng pan­demyang COVID-19 sa mundo.

“This is a very good year for waving the Philippine banner in the international arena,” sinabi ni DOST-Science Education Institute (SEI) Director Josette Biyo sa isang pahayag.

“These students are showing the world that Filipinos are achievers in anything they put their minds to, be it sports or intellectual pursuits,” sabi niya pa.

Ang kanilang team ay pinangunahan ni Dr. Christian Paul Chan Shio at Raymond Joseph Fadri, sa ilalim ng Mathematical Society of the Philippines (MSP).

Ang training ay isinagawa ng mga propesor mula sa University of the Philippines Diliman at Ateneo de Manila University, kasama ang mga da­ting team official.

“These medals are hard-earned and well deserved. They’re no strangers to the rigors of competition, and their commitment and dedication really paid off. They made us and the country very proud,” saad pa ni Biyo.

Ayon kay MSP President Dr. Jose Ernie Lope, tinalo pa ng Philippine team ang Japan, France at Romania.

“Once again, the Philippines has shown that it is not far behind the world leaders in mathe­matics competitions,” dagdag niya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.