Una sa Balita

Mga estudyante turuan ng disaster awareness — Lapid

0 389

Isinusulong ni Senador Lito Lapid na turuan ng subject tungkol sa disaster awareness at mitigation ang lahat ng primary at seconda­ry school sa bansa.
Ayon kay Lapid,­ napakahalagang matanggaap ng kabataan ang sapat na kahandaan ng bawat isa sa kalamidad na maa­ring tumama sa bansa anumang oras.
Sa Senate Bill 1140, layunin nito na pagsamahin sa curricula ng elementary at sekondar­ya ang subject na tatalakay sa natural at man-made disaster ng sa gayon ay mamulat sila sa usapin ng disaster preparedness.
Layon din ng panukala na turuan ang mga estudyante na maki­pagpartisipa sa disaster mitigation na kalauna’y makakatulong sa bansa.
“Mahalaga na bago pa man tumama ang kalamidad sa ating bansa, nakahanda na ang ating mga kababayan. Hindi na sapat ang rumeresponde na lamang tayo dahil may nasira ng istruktura o may nasaktan na tayong­ kababayan,” sabi ni Lapid. (Dindo ­Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More