Mga estudyante obligahin sa bakuna

Naniniwala si Senador Francis ‘Tol’ Tolentino na dapat obligahin ng Department of Health (DOH) ang mga magulang upang pabakunahan ang kanilang mga anak kontra COVID-19.
Ito’y matapos simulan ng pamahalaan pagbabakuna sa tinatatawag na ‘general population’ ng bansa.
Ayon kay Tolentino, sa ilalim ng Republic Act No. 10152 or the “Mandatory Infants and Children Health Immunization Act”, ang kalihim ng DOH ay puwedeng maglabas ng isang department circular para i-update ang listahan ng mga “vaccine-preventable diseases” na posibleng saklaw ng ‘mandatory vaccination’ drive ng nasabing batas.
Sakop din ng nasabing batas ang “mandatory basic immunization for all infants and children” ang mga sakit kagaya diphtheria, tetanus at pertussis, polio, tigdas, beke, Hepatitis-B at influenza.
Ayon kay Tolentino, malinaw at sapat ng maituturing ang probisyon na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 upang bakunahan ang mga batang estudyante laban sa COVID-19. (Dindo Matining)