Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga estudyante kawawa sa palpak na module

0 52

Nanawagan si Senador Bong Go sa Department of Education (DepEd) na ayusin ang mga sablay sa self-learning module dahil nakaaapekto na ito sa pagkatuto ng mga estudyante.

“I am urging DepEd to work double time. Double time po dahil ang mga bata ay naantala ‘yung kanilang pag-aaral, tapos may kapalpakan pa sa module,” lahad ni Go nitong Huwebes sa pag-turnover ng mga bagong firetruck sa Camp General Emilio Aguinaldo.

Giit ni Go, ang pagiging accurate ng mga module ay mahalaga para sa mga estudyante at magulang na kailangang makibagay sa blended learning.

SM food to go Banner Ad

Matatandaan na inamin ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na abot 34 ang kanilang na-monitor na pagkakamali sa mga module para sa mga estudyante.

“Gaya ng sabi ninyo, ayaw ninyo ng may masayang na oras sa calendar year ng mga kabataan [kaya] huwag ninyo pong hayaang may maantala sa kanilang pag-aaral. Ang importante po, makapag-aral sila at tuluy-tuloy ang kanilang kaalaman at walang masayang na taon,” lahad pa ng senador.

Pinaabot din ni Go na kanyang sinumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang module ng isang private school na may mga malalaswang pangalan na nakasulat.

“Sa may mga bastos na gumagawa, wala kayong lugar sa mundong ito. Iyung libro po ay para sa pag-aaral, hindi po para sa kabastusan,” giit ni Go.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.