Una sa Balita

Mga empleyado sa Senado may P5K dagdag allowance

By
0 1,723

INAPRUBAHAN na ng liderato ng Senado ang hiling ng mga emple­yado para sa karagdagang allowance sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Inanunsiyo ni Se­nate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na madaragdagan ng P5,000 ang buwanang grocery and transportation allo­wance ng mga rank and file employee ng Mataas­ na Kapulungan ng K­ongreso.

“Medyo matagal-tagal na rin kasing panahon na ang mga members ng union ng Senado, hindi maiiwasan dahil sa pagtaas ng pres­yo, matagal na nilang hinihiling ‘yan,” saad ni Sotto.

Sinabi ni Sotto na mas malaki pa sa P5,000 ang nais ng mga empleyado subalit pinag-aralan muna itong maigi ng Senate Committee­ on Accounts sa pangu­nguna ni Senador ­Panfilo ‘Ping’ Lacson.

“Medyo mas malaki nga ang hinihiling nila pero tiningnan muna namin ng Committee on Accounts ni Senador Lacson kung ano ang kaya na puwede talagang ibigay,” diin ni Sotto.

Epektibo ang dagdag na allowance simula Hul­yo 1 na mula P10,000 ay magiging P15,000 sa mga rank and file employee.