Una sa Balita

Mga economic manager ni Digong SIBAKIN!

Natutulog sa pansitan

By
0 754

SIBAKIN lahat at palitan ang mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte na inu­til sa patuloy na pagtaas ng inflation sa bansa.

Ito ang iginiit ng isang kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na si House Minority Leader at Quezon City Rep. Danilo Suarez kasunod nang pagpalo ng inflation rate sa 6.4% nitong Agosto.

Nangangahulugan aniya ito na tatamaan ang sikmura ng mara­ming Pinoy.

“I would like to express the minority’s concern on the reported inflation which I think the highest in the last 10 years, 6.4%.

During the last minority mee­ting wherein we called the attention of the… what we called the blunder in the situation… we had a spike in prices of rice now with a 6.4% inflation,” paghahayag ni Suarez sa pulong-balitaan kahapon.

Iminungkahi ng kongresista na dapat ay mag-isip-isip na si Pa­ngulong Duterte kung dapat pa bang manatili sa gabinete nito ang mga sablay na econo­mic manager.

Kabilang anya sa mga sangkot sa problema ay ang mga tanggapan nina Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, at National Economic and Development Authority­ (NEDA) Director Ge­neral at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Inupakan din ni Suarez ang mga opis­yal ng National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA) dahil naman sa problema sa seguridad ng pagkain ng bansa.

Halos parehong national security aniya na maituturing ang problema ng iligal na droga at usapin ng pagkain sa bansa.

“We commend the President for his effort in fight against drugs which is a problem of national security as well but then again… when its food it is national security ‘pag pagkain na ang pinag-uusapan 6.4% na ang inflation apektado na ‘yan kasi malaki na ang ibabagsak ng purchasing power ng bawat Filipino,” sabi pa ni Suarez.