Una sa Balita

Mga economic manager aminado sa paghina ng GDP

By
0 425

AMINADO ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mas mabagal ang paglago ng ekonomiya ngayong taon dahil sa pagkakaantala ng pagpasa bilang batas sa budget ng pamahalaan.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) OIC Janet Abuel, babagsak ng 2.1 hanggang 2.8 percentage points ang tinatawag na gross domestic product (GDP) ngayong taon ‘pag hindi nagpasa ng bagong budget ang Kongreso. Sa orihinal na target na 7 to 8% ngayong taon, maaaring bumagal ang paglago ng economiya sa 4.2% kung mapapako ang pamahalaan sa budget noong 2018.

Naantala ang pagpasa ng budget nang mag-away si dating Budget Secretary Benjamin Diokno na ngayon ay governor na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ang ex-DBM secretary na chairman ng House committee on appropriations na si Rep. ­Rolando Andaya Jr.

Ibinaba ng Development Budget and Coordinating Council ang GDP growth target sa 6 to 7% ngayong taon mula sa orihinal na target na 7 to 6%. Kung mapasa kasi ang budget sa Abril, 0.7 hanggang 0.9 percentage point lamang ang makakaltas sa growth.

Idiniin naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na malakas pa rin ang paglago ng ekonomiya sa 6 to 7% at isa pa rin ito sa pinakamataas sa rehiyon.

Sabi ni Dominguez, nababawasan ang pamahalaan ng gagastusin ng kalahating bilyong piso kada araw na hindi napapasa ang bagong budget.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy