Una sa Balita

Mga dugong Pinoy na namayagpag sa Hollywood

By
0 1,512

Rob Schneider: Isang in-demand comedian, writer and director ang Fil-American na si Rob Schneider na nakilala sa iba’t ibang roles niya sa mga hit comedy film ni Adam Sandler.

Pinanganak sa San Francisco, California si Rob, whose grandmother is Filipino, kaya sa mga stand-up comic gigs niya ay ginagawa niyang katatawanan ang mixed heritage niya.

Naging regular sa Saturday Night Live si Rob (1990 to 1994) kunsaan nakilala niya si Adam Sandler at sinama siya sa mga pelikula nitong The Waterboy, Big Daddy, Little Nicky, Mr. Deeds, 50 First Date, The Longest Yard, Click, Don’t Mess With The Zohan, Bedtime Stories at Grown Up. Lumabas din siya sa mga pelikulang Surf Ninjas, Home Alone 2: Lost In New York, Judge Dredd, Demolition Man and The Beverly Hillbillies. Naging bida naman si Rob sa mga comedy film na The Hot Chick, The Animal, Deuce Bigalow: Male Gigolo, Deuce Bigalow: European Gigolo, The Benchwarmers at Grandma’s Boys.

Lou Diamond Phillips: Pinanganak sa Subic Naval Bay ang Hollywood Fil-Am actor na si Lou Diamond Phillips. Taga-Zambales ang kanyang ina at isang American-Irish ang kanyang ama. Upchurch ang tunay na family name ni Lou. Pero noong mamatay ang kanyang ama, pinalaki siya ng kanyang stepfather sa Texas at ginamit na niya ang Phillips.

Isa si Lou sa outspoken advocate ng Filipino Equity Act. Nagbida agad si Lou sa pelikulang La Bamba in 1987 at napasama siya sa cast ng Oscar-nominated film na Stand And Deliver in 1988. Nakakuha siya ng Golden Globe nomination for best supporting actor. Ang iba pang big movies na ginawa niya ay Young Guns, The First Power, Extreme Justice, Courage Under Fire, The Big Hit at Bats. Sa TV naman ay napanood siya sa Law & Order, Chuck, Cougar Town, Longmire, Southland, Blindspot, Hawaii Five-0, Training Day, Criminal Minds at NCIS: New Orleans.

Paolo Montalban: Pinanganak sa Manila at nag-migrate sa Amerika noong 1-year-old si Paolo Montalban. Dahil sa kanyang background in the performing arts, napiling gumanap bilang Prince Christopher si Paolo sa Disney TV movie na Cinderella in 1997 kunsaan nakasama niya ang singer na si Brandy Norwood, Whoopi Goldberg at Whitney Houston.

In 1998, napasama si Paolo sa 50 Most Beautiful People ng People’s Magazine. The same year ay nagbida si Paolo sa TV series na Mortal Kombat: Conquest bilang si Kung Lao. Ginawa rin niya ang mga pelikulang American Adobo, The Great Raid, Just Wright at The Adjustment Bureau. On Broadway, ginawa niya ang King & I, Pacific Overtures at Breakfast At Tiffany’s. On TV, nagkaroon siya ng role sa Law & Order at One Life To Live. In 2003, nag-launch pa ng kanyang album sa Pilipinas si Paolo.

Vanessa Hudgens: Born in Salinas, California to an American dad and Filipino mom, sumikat ang pangalan ni Vanessa Hudgens nang magbida ito sa Disney movie na High School Musical opposite Zac Efron in 2006. Nagkaroon ito ng sequel (High School Musical 2) at movie (High School Musical: Senior Year).

Nasundan ito ng mga pelikulang Beastly, Sucker Punch, Journey 2: The Mysterious Island and Spring Breakers. Dahil sa kanyang musical background, kinuhang lead si Vanessa sa Grease Live! in 2016. On stage, ginaw niya ang Evita, The Music Man, Carousel, The Wizard of Oz, Cinderella, A Christmas Carol, Rent, Gigi and In The Heights. Nagbida rin si Vanessa sa comedy series na Powerless. (Itutuloy)