Una sa Balita

Mga driver sa Maynila binigyan ng tig-25 kilo ng bigas ni Isko

0 935

Personal na idiniliber sa bahay ng mga driver ang tig isang sakong bigas para sa kanilang rasyon pagkain, kagabi mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso idiniliber na sa mga bahay ng mga tricycle driver ,jeepney driver , e-trike driver, pedicab driver ang mga bigas para hindi na sila lumabas ng kani-kanilang bahay.

Ginawa ni Moreno,ang nabanggit na hakbang para hindi na mamasada at lumabas ng kanilang mga bahay ang mga driver sa harap ng banta ng COVID-19.

Ang sako-sakong bigas ay tumitimbang ng 25kilos bawat isa.

Lahat ng tulong na manggagaling sa lokal na pamahalaan ay diretsong idi-deliber sa bahay-bahay ng mga Manilenyo.(Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More