Una sa Balita

Mga driver na abusado sa pasahe nireklamo

0 220

GUMAGAWA na umano ng aksyon ang Public Order and Safety Office (POSO) ng Urdaneta City, Pangasinan kaugnay sa natanggap na reklamo hinggil sa talamak na overpricing ng mga tricycle driver sa pamasahe.

Ayon kay Urdaneta City POSO officer-in-charge Francisco Senafica, ginagawa na nila ang kanilang makakaya upang masolusyonan ang problema nila sa overpricing sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga meeting sa mga presidente ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) upang maisaayos ang nasabing problema.

Sinabi ni Senafica, talamak na rin ang sumbong sa mga social media hinggil sa mga tricycle driver na nagpapataw ng mataas na pasahe.

Sa reklamo ng ilan sa mga pasahero, wala pang nakikitang aksyon mula sa tanggapan at hindi pa rin ani­ya nanghuhuli ng mga sangkot na tricycle driver.

“Hindi ka pa nga nakakasakay tinatanong ng tricycle kung magkano ang pamasahe,” ani Roddora Perez, isa sa mga nagrereklamong pasahero.
Ayon naman sa mga lehitimong mga tricycle driver, ang karamihan sa gumagawa ng pananamantala ay mga kolorum na tricycle sa nasabing siyudad.

“Kaming mga lehitimong driver ay mga may pamasahe kaming sinusunod, ang gumagawa lang ng overpri­cing ay mga kolorum na walang linya ng pamamasada,” ani Jason Baltazar, isang miyembro ng TODA.

Sinabi ng POSO na ipinaalam na nila ang problema sa Urdaneta City Police Station na bigyan ng solusyon sa madaling panahon ang overpricing. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy