Una sa Balita

Mga domestic flight bubuhos sa Clark

0 467

SIMULA ngayong araw (Marso 15), kanselado na ang lahat ng domestic flights ng Philippine Airlines (PAL), Cebu Pacific at AirAsia sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang pagtalima sa kautusan ng pamahalaan na ipa­tupad ang community quarantine sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa tatlong pa­ngunahing airline carrier ng bansa, simula ngayong araw, Marso 15, hanggang Abril 14, 2020, lahat ng kanilang domestic flight na manggagaling sa NAIA patungo sa iba’t ibang probinsya ay tigil muna.

Subalit ang mga domestic flights sa labas ng NAIA ay hindi apektado ng travel restrictions.

Kaya ang payo ng mga airline company na gustong mag-air travel ay dumaan sa Clark airport sa Pampanga, Cebu International Airport at iba pang paliparan sa bansa na hindi sakop ng community quarantine.

Sinabi ni Charo Lagamon, tagapagsalita ng Cebu Pacific, ang mga international flights ng Cebu Pacific na magmumula sa NAIA patu­ngong Brunei, Singapore, ­Jakarta, Kuala Lumpur, Kota Kinabalu, Taipei, Ho Chi Minh, Hanoi, Dubai at Sydney ay patuloy na mag-o-operate.
Nag-abiso na rin ang PAL na 65 domestic round trip flights a
ng kanilang kakanselahin sa pagitan ng Manila at sa mga provincial destinations.

Ayon kay Cielo Villaluna, spokesperson ng PAL, pinapayuhan ang apektadong pasahero na mayroong hawak na tiket na makipag-ugnayan sa kanilang travel agents para sa rebooking ng kanilang biyahe. (Otto ­Osorio)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More