Una sa Balita

Mga doktor sa Calabarzon tinuruan sa death certificate

0 274

SINANAY ng Department of Health (DOH)-Calabarzon ang mga pampublikong doktor para sa tamang pagrere­histro at paglalagay ng dahilan ng pagkamatay ng isang tao.

Ayon kay Dr. Susana C. Castillo, Head of the Health Facility Operation and Deve­lopment Unit (FODU) for City Health Offices, Rural Health Units, Barangay Health Stations and other Health Facilities na mahalaga sa mga doktor ang kanilang kaalaman sa tamang paglalagay ng dahilan ng pagkamatay ng isang tao at tamang pagpaparehistro dahil isa itong public record at ginagamit din bilang medico-legal document.

Base sa DOH Medical Certification of Death Handbook, ang certificate of death ay isang permamenteng legal record kung saan nakasaad ang mga impormasyon ng isang namatay at dahilan ng pagkamatay nito at ginagamit bilang prima facie evidence upang maka-claim ng mga benipisyo, pension, insurance at tax exemption ng kanyang naiwanan.

Ang pagsasanay na tinawag na ‘Training on Medi­cal Certification on Cause of Death’ ay upang mapabuti ang kaalaman ng mga dioktor sa rehiyon ng wastong pagla­lagay ng data entry sa death certificate. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy