Una sa Balita

Mga doktor, nurse, health worker nagtitiyaga sa bungi-bunging PPE – Duque

0 411

Isiniwalat ni Health Secretary Francisco Duque na marami sa mga doktor, nurse at iba pang health worker ay nagtatrabaho sa ospital na kulang ang personal protective equipment (PPE).

Ayon kay Duque, nagtitiyaga na lamang sa bungi-bunging PPE ang mga nagtatrabaho sa ospital matapos bumuhos ang mga pasyenteng minamanmanan o tinamaan ng coronavirus disease.

Pero ang mga doktor at nurse na titingin sa mga kritikal na pasyente, kailangan, aniya na kumpleto ang PPE.

“Yung kumpleto para lamang doon sa mga nag-aasikaso dun sa mga critical patient,” ayon sa kalihim.

Kabilang sa mga gamit na kailangang isuot ng mga medical worker ay ang face mask, goggles, shoe cover at gloves.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More