Una sa Balita

Mga doktor ng UP-Manila nakaimbento ng dengue apparatus

0 123

ISANG grupo ng mga doktor sa University of the Philippines-Manila, ang nakaimbento ng aparato para ma­laman ang mga taong tinamaan ng dengue virus.

Sa imbensyon ng mga espesya­lista, sa pangunguna ni Dr. Raul Destura, maaari nang malaman sa loob lamang ng isang oras kung ang isang tao ay dinapuan ng dengue virus, tulad ng device na ginagamit sa ibang bansa.

Mahal ang molecular testing device na yari sa ibang bansa, pero sa aparatong ginawa ng mga doktor, malaking halaga ang matitipid ng gobyerno.

Nakipagtulungan sa mga doktor ng UP-Manila sa paggawa ng equipment ang National Institutes for Health, Department of Science and Technology, Department of Health, Biotech-Manila at Philippine G­enome Center.

Ang Biotek-M Dengue Aqua Kit ay ilulunsad sa mga susunod na araw sa pampublikong ospital sa Region 1, 3 at 6.

Sumailalim na sa training noong Hunyo ang mga health care professional para sa tamang paggamit ng aparato. Isusunod naman ang training sa Visayas at Mindanao.

Ang imbensyon ng mga doktor ng UP-Manila ay nagwagi ng gold me­dal sa 46th International Exhibition of Invention na ginanap sa Geneva, Switzerland noong Abril.