Una sa Balita

Mga doktor, health worker na namatay sa COVID tinuring na mga bayani ni Duterte

0 369

Hindi itinago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalungkot sa pagkamatay ng ilang doktor at health workers na dinapuan ng coronavirus disease 2019 habang gumagamot ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Martes ng gabi, tinawag ng Pangulo na mga bayani ang mga nasawing doktor at health workers at bumilib ito sa katapangan at sakripisyong ginawa para sa bansa.

Bihira aniya siyang bumilib sa tao,pero ipinakita ng mga nasawing doktor at health workers ang tapang at sakripisyo kaya saludo ito sa mga ito .

” I am saddened by the news that the virus has claimed the lives of our doctors along the way. Lahat po sila ay bayani , and not only that, talagang bumilib ako. Bihira akong sumasaludo ng tao. Pero yung mga doctor natin, mga health worker na nadisgrasya talagang saludo ako sa inyo. Wala na kayo sa mundong ito pero ganon na lang ang pagtingin ko sa inyo,” anang Pangulo.

Personal na pinasalamatan din ni Pangulong Duterte ang mga frontliner na patuloy na gumaganap sa kanilang tungkulin sa kabila ng patuloy na bantang hatid ng COVID-19 sa mga ito.

Tinitiyak ng Presidente ang suporta ng gobyerno sa mga ito at hindi pababayaan sa laban kontra sa COVID-19.

” Let me reiterate my sincerest gratitude to all our courages front liners in this war, especially our health care workers, our doctors, nurses, medical technologies and ofher allied health professionals. Maraming maraming salamat. Asahan nyo ang suporta ng inyong gobyerno,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More