Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga dok umangal sa lumobong presyo ng surgical gloves

0 70

Dumoble ang presyo ng surgical gloves na ginagamit ng medical health workers para hindi makontamina sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ito ang inihayag ni Dr. Jose Rene de Grano, Presidente ng Private Hospitals of the Philippines Incorporated.

Ayon kay Dr. de Grano, dati ay P300 lamang ang isang box ng gloves na ginagamit ng kanilang hospital staff subalit ngayon ay dumoble ang presyo at naging P600 bawat box.

Hindi aniya ito masyadong napapansin sa ngayon dahil ang tutok ng lahat ay ang paglaban sa COVID-19 subalit malaking bagay sana kung mapansin ito ng gobyerno.

SM food to go Banner Ad

“‘Yong gloves ang taas-taas ngayon. Dati P300 plus, ngayon po nagdoble po ang presyo, naging 600 plus na po ang bawat box,” ani de Grano.

Pero tiniyak ng manggagamot na sapat ang kanilang personal protective equipment (PPE) para sa kanilang hospital personnel dahil iniingatan nilang magkasakit ang mga ito.

Kinumpirma rin ni De Grano na nagkakaroon ng kaunting shortage sa supply ng gamot na panlaban sa COVID dahil sa napakataas na demand pero tiniyak ng Department of Health aniya na may darating na supply. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.